7.01.2011

Hindi Kita Iibigin

Hindi kita iibigin
sa takot na masaktan kita
dahil ang pag-ibig
para sa akin ay punyal
na kumikitil ng ligaya

Hindi kita iibigin
sa takot na mabasag kita
dahil ang pag-ibig
para sa akin ay lindol
na dumidiskaril ng mga akala

Hindi kita iibigin
sa takot na masikil kita
dahil ang pag-ibig
para sa akin ay bartolina
na nagpipinid ng laya

Hindi kita iibigin
kung hatid ng pagpigil
ay 'yong ligaya
kung hatid ng paghimpil
ay katuparan ng akala
kung hatid ng pagpapalaya
ay 'yong paglago

Hindi kita iibigin
dahil hindi kita iniibig
lang.

- Pia Montalban 

2 comments:

Buccino said...

eh di 'wag. hehek.

just in time for july :)

Anonymous said...

Lupit nito. - Pi