I'm beat. Kakatapos lang ng team-building na inorganize ko for our NFP Payatas team. Hay...kakapagod pero masaya tsaka nakakatuwa kasi at least nabubuo na talaga ang team. Nasa groping to growing stage palang kasi ang programa at madaming hadlang at balakid na kailangan mapagtulung-tulungang buwagin para sa mas mabilis na paglago at paglawak ng nito. Mas madami pa ngayong gagawin pero at least alam namin kung saan nanggagaling ang bawat isa sa grupo at alam na namin kung saan namin gustong pumunta bilang isang grupo. Magkakaroon ng isang malaking tipun-tipon ang lahat ng NFP users sa Payatas sa Disyembre. At ako ang halos gagalaw para dito. Magkakaroon din ng planning seminar sa Enero. At ako uli ang halos gagalaw para dito. Pamatay ang magiging logistics pero oks lang. Excited pa nga ako. Sana lang hindi ako mawindang...
Dumaan ang linggong ito nang napakabilis. Naayos ko na ang monitoring forms, na-update ko na ang database. Natapos na din ang article namin nina Chayie at Fina para sa Intersect. Natapos na din yung Reflection guide namin nina Manay at Balbie. Kung anu-ano pa ang mga ginawa kong logistical at admin work. Super toxic this week pero mas gusto ko ang ganito kasi nararamdaman ko na nababanat ako at tumutubo kahit papaano.
Naramdaman ko nanaman ang presensya ng Diyos sa lahat ng mga ito. Kakaiba kasi para sa akin mas nararamdaman ko Siya kapag madami akong ginagawa kaysa kapag nakatanga lang ako. Matapos ang tahasan at kusang pagwawaksi sa Kanya para makita ko pa ang ibang perspektibo at pananaw, ang pananaw ng may naghihikaos na pananampalataya, (ewan ko, ambisyosa kasi ang writer side ko. gusto ko maranasan ko lahat), nandiyan pa rin Siya. Makulit at ipinapaalam ang presensiya Niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko na. Tingin ko hindi pa ako nababad sa mundo ng may naghihikaos na pananampalataya. Nakapagpaalam na naman ako sa kanya na iiwanan ko muna Siya nang sandali. Eto Siya at nangungulit. Siguro kailangan ko lang aminin na mas ako ako kapag kinikilala ko ang pagprepresensiya Niya.
No comments:
Post a Comment