5.13.2009

some days the glass is half empty. others, like today, the glass is half full.

L:
yosi tayo
D: kaka-toothbrush ko lang pero tangina sige.
L pushes the screen door and D follows. both take their respective seats in the dark.
L: (sings a rico blanco)... siguro yung iniwan ka na ng eroplano parang modern version ng ikaw na naiwan sa platform habang umaandar yung tren no?
D: huh?
L: yung normal description ng pinagiwanan ka na ng oportunidad tapos ikakasal na yung babae pero wala ka nang magagawa.
(silence)
L: 25 na tayo...
D: tangina, oo nga e. pero isipin mo nalang, hindi pa tayo 30. tangina minsan naiisip ko kung ano naiiisip ni mustasa ngayon. maswerte pa tayo may five years pa tayo para tumino. kesa naman yung trenta ka na at nagsisimula ka nang magpanic, kakapit ka na sa kahit ano. lalo na kung yung kahit ano e tried and tested na.
L: tangina oo nga no.
D: naisip ko din kung ano iniisip ni ku ngayon. nag-aalala ako kasi parang hindi siya sigurado. kasi kung sigurado siya sana noon palang ginawan na niya ng paraan talaga.
L: the wisdom we gain from rico blanco. tsk, tsk.
D: sabi nga ni T sa akin, yun daw yung pinaka-ayaw niyang mangyari sa kanya--the curse of indecision.
(silence)
D: nagrerebelde lang naman talaga tayo sa mold e. kaya ang hirap.
L: oonga. nagrerebelde tayo sa kung anong normal pero at the same time nagrerebelde din naman tayo sa kung ano talaga tayo. dapat pag nagrebelde tayo, sa isang bagay lang. like ako, kung seseryosohin ko lang 'tong tanginang (mentions a start-up consultancy firm) na 'to e okay naman e. tapos ikaw kung mag-aaprentice ka lang at gawin mo na yang portfolio mo e di okay. wag mo nang takbuhan 'yan. kasi naman e. malapit na ang November.
D: pota. oonga. yaaaaaayks.
L: hindi kasi tayo nagwa-100 percent e. we should embrace this, d.
D: oonga, kung tutuusin wala naman tayong problema e. ang tanging pumipigil lang sa atin ay ang ang mga sarili natin.
L: teka, parang kahapon lang andito nanaman tayo a.
D (thinks of Beckett's Gogo and Didi and doesn't know whether to laugh or cry)
L: (laughs) at least ngayon alam natin na mas maswerte pala tayo.
D: (laughs) yan yung masaklap. parang yung sinabi ni Queen Elizabeth sa last scene ng movie:

"I am called the Virgin Queen
Unmarried, I have no master
Childless, I am mother to my people
God give me strength to bear this mighty freedom
I am your Queen
I am myself."

L:
siguro netong dalawang araw nakaubos tayo ng tig-isang kaha.

No comments: